Message for Julie and Elmo

Julie and Elmo,

We all are strangers from the beginning appreciating the giddiness that we have felt from the moment we saw you duet. We never taught that this would turn out to be like this.

We have grown to love those things that you both love. We have sing songs that we have never heard of. We have tried different things because of you.

Maybe you have changed our life not because we want to be like you, but because you make us feel that supporting you is worth it.

You’ve been through a lot for the past 3 years being partners and despite those negativities you still stand firm. Both of you. Together.

Our group may have lost a few, but we who gather around here, are people who will stand together with you no matter what.

We are not just here because you have sparks flying everytime you looked at each other. Or how you have this feeling of being into each other just by standing together. Or making us feel that you have your own world when you perform.

No, that’s not it. It’s because you create such a great symphony of music that even the angels in heaven would gladly listen to you. You both deliver such good acting that you make us feel different kinds of emotions just by watching. You both excel in your field individually, but being together, performing together is soo much better.

We are very thankful for the friendship that you created and still continue to blossom. We know that although you don’t publicly express your protectiveness over each other, you both do it without letting us know.

And the most important thing that you have impart with us are the new friends we gained while having this love for you.

Some call it addiction, but we call it friendship. Friendship in a sense that you both never failed to show us your appreciation despite all. You make us feel like we are part of your life. That’s what makes this special.

Continue doing what you both do and we will still be here until you both realize that you need to take your friendship to the next level.

Talento ba?

Maawa naman kayo sa amin.

Please naman po. Kailangan ko bang magmakaawa para maawa kayo sa amin?

Kanta dito. Sayaw doon. Hanep may album pa. Ang kanta sa album wala pang 10 tapos kung bibilhin mo nasa 300 na? Sige, bibili na lang ako ng blizzard sa DQ, ililibre ko na din ang mga Teng kong kaibigan sa opisina. Lalamig pa ang pakiramdam namin.

Ay, pinakapanalo pala dun, wala man lang orihinal na kanta. Ayos tsong, singer ka talaga.

Meron bang langgam sa damit mo at kung magsayaw ka todo giling? Ineng, iba ang malambot ang katawan sa galawgaw magsayaw. Subukan mong panoorin ang sarili mo pag nagsasayaw, kung sa tingin mo ang galing galing mo… Aba Iha, baka kailangan mo ng magpatingin sa doktor.

Sayang sana. Ang gulo kasi ng nangyari kanina.

Pinakapanalo ang pagkanta ng duet. Sobrang saya nun e. Tuwang-tuwa ako sa nangyari. Swak na swak kasi mga spiel nila pati yung kanta. Kaso tsong, sablay talaga yung kumanta. Tatlong pares lang yung maganda, yung iba, sablay na sablay.

Sa dami ng kilala sa teritoryo niyo, alam kong mahirap bigyan lahat ng lugar para mas lalo pa silang makilala. Pero sana naman dahil talento ang pinaguusapan dito at hindi itchura o palakasan, maging maganda ang kalalabasan.

Sa’yo lang

Babae din ako. Alam ko kung paano pigilan ang pagkakilig. Alam ko kung paano itago ang nararamdaman.

Pero ikaw sis, masyado kang halata. Parang sinira mo ang kasunduan nating mga babae. Bakit hindi mo maitago yung nararamdaman mo?

Ikaw naman kasi, binigla ka lang, natulala ka na. Sabagay, sa gwapo at macho ba naman niya tapos ganun pa ang ginawa niya, talagang matutulala.

Pagkatapos niyo kumanta, konting kabig naman sa bewang mo, aba, matik na ang paglapit mo sa kanya. Yung kulang na lang magkapalit na mukha niyo sa sobrang dikit. Oo, kasi yung space, hindi uso sa inyo.

Yung napapataas yung paa mo pag sobrang lapit niyo na sa isa’t isa ni brad.

Hinalikan ka sa noo. Sa ilong. Sa pisngi. Niyakap ka ng mahigpit. Niyakap ka ng nakatalikod.

Kulang na lang ikulong ka na niya sa bahay nila para sa kanya ka lang. Ikaw sis, pinapayagan mo siya! Pero, hindi ako umaangal kasi matagal ko ng dasal na magkasama kayo.

Matindi ka din sis. Isa ka ding mambabakod. Naransan na din yan ng kaibigan kong adik na gustong lumapit kay brad, kaso parang ayaw mo. Baka sadyang adik lang ang utak ko kaya ganun ang tingin ko o baka ganun nga naman.

Alam ko at alam ng lahat na inangkin ka na ni brad. Pero ang mas matindi sis, sumasang ayon ka sa kanya. At ikaw, kahit ayaw mo mang aminin, inangkin mo na din siya.

Oo na. Kayo na ang pinakamaswerteng nagmamahalan sa mundo.

Isa lang hiling ko sis. Pwede bang pakagat kay brad ng isa lang? Isa lang talaga. Please?

Walang aagaw

Bakit ka ba napapakagat labi pagkatapos mong magdamoves? Parte ba ng sabi ni Direk na titigan mo ang labi niya kapag magtititigan kayo?

Malamang sa malamang, parte yun no? O sadyang hilig mo lang ang ganun?

May nagpakilala sa kanya at gustong malaman ang pangalan nya, ang sumagot ikaw. Bakit brad? Hindi ba sya marunong magsalita? O baka naman may amnesia sya at ang pangalan na nya ngayon ay katulad na din ng pangalan mo?

Sa tinagal tagal niyong magkasama, kailangan mo ba siyang biglain ng ganun? Ayan tuloy, parang natulala. Hindi ata sya sanay na medyo mapusok ka.

Oo, mapusok ka kasi sa tinagal tagal ko na ding nanonood, bakit hindi man lang kayo nagbigay ng babala na kailangan ko na palang ihanda ang himlayan ko?

Pagkatapos nun, parang may ngiting tagumpay ka. Pero heto ako ngayon, naghahanap ng makakatulong para huminga ng maayos. Brad, kampi naman tayo e. Bakit binigla mo kami?

Matagal ko ng inaasam na magkaroon ng ganun, pero ngayon na nakita ko, hindi pa pala ako handa.

Sobrang saya mo pagkatapos nun. Parang isang pribiliheyo ang makasama sya. E palagi naman kayo magkasama sa iisang stage. Ano ang pinagkaiba ng ginawa niyo noon sa ngayon? Ay, oo nga pala. Naglakas loob ka ng ipakita kung ano ang tunay mong nararamdaman.

Naiintindihan kita brad. Mahirap kasi magpigil ng matagal lalo na pag may kasamang pagmamahal at respeto yun. Pero pag napasaiyo na, hanep ang ligaya.

Nga pala, gusto niya magpalitrato sa kapatid mo at sumama ka pa. Pati ba kapatid mong lalaki, hindi pwedeng lumapit na lang basta basta sa kanya kung hindi ka kasama?

Ipagpatuloy mo lang yang pagangkin mo brad. Nasa teritoryo mo kayo ngayon at kung sinuman ang gustong sumingit, nagaabang yang machong macho mong bisig para sa kanila.

Brad, mapasaang lugar man kayo alam ko naman na naglagay ka na sa noo nya na ‘AKIN NA TO. BAWAL AGAWIN. - E’

Ulirat

Nakakainis tong dalawa na to e. Ang dami-dami namang tao pero laging may sariling mundo.

May duet sila. Kalma lang kasi magkalayo pa. Sa kalagitnaan ng kanta, magkakalapit na sila. Ilalahad ni pogi kamay niya. Kukunin naman ni ganda. Magtititigan. Ayun na.

Nalintik na!

Magtititigan na parang wala ng bukas. Yung totoo, ngayon lang kayo nagkita at parang wala ng bukas yang pagtitig niyo?

Kung makaalalay ka naman parang hindi sya makalakad. Kulang na lang maglatag tayo ng red carpet para sigurado ka na hindi sya mapapahamak sa paglalakad. Pwede din naman na buhatin mo na lang sya para ligtas na ligtas sya sa bisig mong napakalusog na.

Sya lang yung nakakapagbully sayo na wala kang imik. Yung okay lang sayo na ganun at mukhang masaya ka pa pagbinubully ka nya. Sabagay kasi pag kayong dalawa na lang, iba naman na.

Pawisin na sya, hindi mo napigilan na punasan ang pawis nya gamit ang kamay mo. Sabay walang keme na akbay na nakalapat ang kamay. Ayos! Inangkin mo na naman sya.

Bakit? May aangal ba? Wala brad! Iyong iyo sya kaya huwag mo ng angkinin kasi malamang swak na swak ka na din sa puso niya.

Ipagpatuloy niyo lang yang paggawa niyo ng sariling mundo kasi balang araw gagawa na kayo ng sarili niyong pamilya.

Anonymous asked: hello! kudos sa Home Network :) pwede ko bang matanong ang twitter account niyo? :)

Thanks! :)

Pwede mo naman itanong ang twitter account ko.

kpgdelapaz yung UN ko sa twitter :)

Home Network

Sobrang dami ng isda na alaga niyo. Sa sobrang dami, hindi niyo na nakikita kung ano ba talaga ang balisa sa kakahuli pa lang.

Yung balisa, ilang beses niyo ng pinapalabas. Akalain mo, kahit hindi naman marunong umarte, aba, sunod sunod yung palabas!

Ito namang si giling, kala mo ang galing kumanta! Todo effort pa sya sa paggiling. Nung napanood ko sya ng live, gusto ko ng tumayo sa upuan ko at hilahin siya pababa ng stage. Kaso itong kaibigan kong adik, tinawanan lang ako.

Ikaw, huwag masyadong pacute kasi hindi na bagay.

Buti nagpagupit ka na kasi hindi na uso si JB. Kaso kulang pa, kras ka daw ng bayan? Saan banda Kuya?

Tisoy, sige andun na ko sa tisoy ka pero kulang pa. Ikaw na galing taga kabila, minsan na lang ako manood ng tv, pero pasensya na kasi kahitano mang gawin ko, hindi talaga kita magustuhan.

Nakakapagtaka lang kasi ang tagal tagal na nilang dalawa, parang hindi masyadong nabibigyan ng magandang break.

Kung titignan mo, kahit yung mahigit dalawang taon nilang magkatandem, parang wala pang masyadong nagagawa para sa kanila. Iilan lang kasi yung naniniwala sa kanila.

Buti na lang yung mga taong naniniwala sa kanila, kayang panindigan yung mga bagay na pinangako at bigyan sila ng magandang break.

Minsan, ayoko ng umasa sa kung ano pa man ang mabibigay niyo sa kanilang dalawa kasi kahit wala pa naman silang masyadong palabas, sobra sobra na yung parangal na natanggap nila.

Huwag niyo naman sana antayin yung panahon na sila na mismong dalawa ang magsawa sa paghihintay nila.

Pero dahil matagal niyo na kong tagapagsubaybay, umaasa ako na itong taon na to, bibigyan niyo sila ng magandang break. Yung tipong, silang dalawa lang. Yung walang hanggang commercial din nila kapag may movie. Yung walang humapay yung pag promote kagaya ng mga prinopromote niyo na palabas. Yung tipong sunod sunod na palabas din na parang wala na silang pahinga.

Nakakainggit kasi yung iba na kakatapos pa nga lang ng palabas, meron na namang panibago. Yung mga kakalipat lang naman, bida na kaagad.

Sana minsan, maumpog kayo. Kasi ang mga manonood, hindi lang sa itsura tumitingin, sa talento.

Kung talento lang kasi ang bantayan, malamang yang mga paborito niyo, taob na taob na.